what a happy life...
hahaha..
bqt ang saya ng buhay..
bakit ganito..
pero mbuti nmn..
dahil nung ilang buwan din aq malungkot..
hai...
hahahaha..
Friday, March 27, 2009
Thursday, March 26, 2009
Panahon
Eto ay aking proyekto sa Filipino. Hindi ko inaakala na matatanggap ito ng aking guro..
hahahaha.. sana magustuhan ninyo
Sa isang araw na ang pasahan pero hanggang ngayon ay wala pang nagagawa,wala pang nasusulat at wala pang maisulat. Ilang beses akong nag isip kung ano ang dapat. Pero wala pa ring magawa. Ano ba ang problema? O Baka ako ang problema. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula o paano ko sisimulan itong aking projekto na sa isang araw na ang pasahan. Maingay ang paligid at magulo kaya’t na isipan kong mapag isa na nagbabaka sakaling ako ay may magawa. Isa..dalawa..tatlo.. tatlong papel na ang aking nasasayang pero di ko pa rin ito masimulan. Naisipan kong bitawan ang bolpen at papel at mag simulang mag basa. Isa...Dalawa…Tatlo… Tatlong oras na akong nababasa ng libro. Nakatuwaan ko ang mag basa ng libro kaya’t nakalimutan ko ang dapat kong simulan. Alas once na at wala pa rin akong na isulat. Na isip kong simulan na ang pag basa ng bago kong libro. Tinanggal ko ang plastic at tinapon sa basurahan umupo sa kama at sinimulang mag basa. Habang nag babasa ay may isang linya ang aking na gustuhan. At na isip kong dito simulan ang projektong nais ko nang wakas.
"When life offers you a dream so far beyond any of your expectations, is it not reasonable to grieve when it comes to an end?"
Napakaganda talaga ng linyang ito sa libro na sinulat ni Stephanie Mayer. Kaya’t dito ko gustong simulan ang akin proyekto.
Minsan sa buhay natin may mga bagay na hindi natin inaasahang mang yari. Minsan magandang pangyayari ito minsan naman masama.Sa linyang ito, na alala ko ang buhay ko noong High School ako. Naging masaya ako, hindi, naging sobrang saya ko. Hindi ko ninaasahan na ganun ang mararamdaman ko sa piling ng mga taong ngayon ko lang nakasama. Higit sa mag kakapatid ang turingan namin. Sabihin man nilang kami ang pinakamagulo, pinakamaingay, pinakapasaway at pinakabarumbadong section sa buong Basic Education Department wala kaming pakiaalam, isa lang ang mahalaga para sa amin iyon ay ang bawat isa. Normal lang ang mag karoon ng konting tampuhan pero di namin ito pinapatagal. Mahal ko sila at alam ko mahal din nila ako. Kaya pinag mamalaki ko na ako ay isang certified MUTWALD. Sa mga huling araw namin sa High School mas marami kaming kalokohang nagawa at muntik ng maging dahilan ng hindi naming pag marcha pero hinarap namin ang lahat at hindi nag iwanan. Masya man ang buhay namin noon, pero hindi namin napigilan ang pagdaan ng panahon. Lahat kami ay humarap sa mga tao na eto kami at nakapag tapos hindi man kami kompleto noong araw na iyon naging kasiyahan pa rin ang nadama dahil iyon ang ang isa sa aming hinihintay. Pagkatapos ng Highschool kanya-kanya naming hinarap ang buhay kolehiyo. Kanya-kanya mang paaralang pinasukan pero hindi pa rin na wala ang aming samahan. Sa aming lahat isa ako sa mapapalad na matira. Ang swerte ko noh. Ilang taon na ba ako rito isa,dalawa,tatlo,apat, hmmm… sampung taon na ako dito at mukhang sa ikatlong pag kakataon ay nag plague ako ng loyalty dito. Hay.. Siguro tatanungin mo ako kung hindi ba ako nag sasawa dito. Syempre naman nag sasawa na ako noh, kahit naka pikit ako alam ko na ang pasikot sikot ng lugar sa school. Pero okey lang masaya naman ako eh, malapit lang sa bahay at pwedeng lakarin. Pero isa sa mahirap na nararanasan ko sa pag kakaiwan sa lugar na to ay MAG-ADJUST. Bakit? Araw-araw yun at yun ang iyong nakikita. Ang High School building yung mga teacher, yung mga estudyante, yung mga cavana ang lahat nang bagay sa pailigid ko ay nag papaalala sa akin kung gaano ako saya noon. Bakit hindi ba ako masaya ngayon? Ang sagot, ay isang malaking OO. Mag iisang taon na akong college pero pakiramdam ko ay hindi pa rin. Sa totoo lang parang ang laki na nag advantage ko dahil sa dito ako nag mula o dito ako graduate marami akong kakilala, alam ko yung pasikot sikot ng school pero para akong bata na walang alam. Ng mga unang araw ko sa kolehiyo nahirapan ako, para akong transfree na galing sa ibang lugar parang wala akong alam sa lugar na aking dinadaanan. Madalas na wala ako sa sarili ko. Hindi ako ang nakikita ng mga tao, malayo sa totoong ako. Pero ano ang magagawa ko, nasasaktan ako. Gusto kong makasamang uli ang mag kaibigan ko, gusto kong sila ang kadaldalan ko, gustong sila ang kasabay ko, gusto ko sila ang kasama ko buong maghapon. Pero gusto ko man, hindi pwede. Buong paligid ko man ang masaya, hindi ko magawang matuwa. Kung sila siguro ang kasama ko maaari pa. Nalulungkot ako ng sobra. Makasama sila ng sandali ay lubos na ang aking saya. Na mi-miss ko sila ng sorba, hindi sobra-sobra. Madalas lumilipad ang isip ko kaya nga madalas din akong mahuli ng mga guro ko na naka tingin sa bintana kung tutuusin kung mag fo-focus lang ako sa pag aaral ko ay kakayanin kong mag karoon ng matataas na marka tulad noong High School. Pero, hindi ko pa kaya sa ngayon, ang maging tulad noon. Nag patuloy ang buhay ko nang naglalakad na nakatingin sa likuran. Ang hirap, sobrang ang mabuhay sa nakaraan, patuloy akong nag-nanais na ang nakaraan ay maging kasalukuyan. Kalagitnaan ng semester ng na isip kong lumipat ng school. Nag babakasakaling makahanap ako ng tulong mula roon. Pero gaya nga ng sabi sa akin ng aking adviser, kahit saan ako mag punta ganun at walang mag babago didipende lang daw ito sa akin. Maaaring iniisip mo na mali na ang aking ginagawa. Alam ko iyo, at ayaw ko rin ng ganitong pakiramdam, mabigat sa dibdib ngunit pinipilit ko ang sarili ko na ayusin ang lahat. Bilang isang kaibigan binahagi ko sa kanila ang mga bagay na nasa loob ko. At hindi ako nag kamali sa akin mga ginawa sa pakikipag usap sa kanila unti-unting nabawasan ang mga bagay na gumugulo sa akin. Sa ngayon ay unti-unti na akong bumabangon at unti-unting napapawi ang lahat ng sakit.
Nabasa akong isang artikulo kung papaano daw makakapag adjust sa kohehiyo ang isang freshmen at alam ko na ito ay makakatulong ng malaki sa iba. Ang una ay Manatiling Busy. Mag paka busy araw-araw para makalimut ka kahit papaano. Pwede ka ding mag laro ng mga sports o kaya ay mag basa ka ng book sa library. Ang ikalawa ay ang maghanap ng mabubuting kaibigan. Maging friendly para makahanap ka ng mga bagong kaibigan. Ang ikatlo ayon sa aking nabasa ay Pakitaan ng Kabutihan ang ka-roommates. Maging mabuti sa mga ka roommates mo,dahil madalas sila ang makakasama mo araw-araw at maaaring sila rin ang makasama hanggang maka graduate ka na ng collge. Ang ika apat naman ayon sa kanya ay makipag usap sa kapamilya. Mag hanap ka ng tao na maari mong pag sabihan ng problema. Mahirap kasing kinikimkim mo yung mga nararamdaman mo. At ang pang huli ay ang maging maingat sa paggawa ng desisyon. Hindi solusyon ang mag drop out o yung lumipat ng school para lang makapag adjust. May mga tao na kapag hindi maganda ang kanilang nararamdaman ay nag kakamali sila ng desisyon at sana hindi ka matulad sa kanila.
Marami pang paraan kung paano ka makakapag adjust sa buhay kolehiyo. Ang lahat ng bagay ay dedepende na lamang sayo. Bakit? Dahil Sa kahit ano pa mang paraan ang iyong gamitin kung patuloy pa rin ang pagbuhay sa nakalipas ay hindi ito makatutulong sa iyong sarili. Isa lang dapat matutunan na ang pagtanggap sa katotohanan na walang permanente sa mundong ito. Huwag tayong malungkot dahil natpos na, maging masaya tayo dahil nang yari ang lahat. Huwag mong sayangin ang oras at luha sa kanilang pagkawala. Dahil sa puso mo lagging andun sila, huwag mong sayangin ang mga pagkakataon na makita ang mga mgagandang bagay na sa iyong harap dahil sa huli ito ay iyong pag sisihan. Matuto tayong tanggapin ang katotohanan na may mga taong aalis at darating sa ating buhay, maging masaya tayo sa pagkat sila ay dumating at nag bigay kulay sa mundo natin. Lagi nating tatandaan na “Happiness begins at the point when we stop questioning why life can’t be perfect and just accept the world the way it is”

Unti- unti natutunan kong mag adjust. At masaya ako sa nangyayari hindi na ako madalas nakatingin sa bintana ng tulad ng dati. Ginagawa ko na ang dapat kong gawin ng paunti-unti. Naisip kong bakit kaylangang masayang ang ilang panahon para lang maunawaan ko ang lahat. Pero hindi dapat ako manghinayang hindi ba? Dapat akong maging masaya dahil hindi ako nag drop out at nalaman ko kung sino ang mga totoong kaibigan. Hinarap ko ang lahat at nalagpasan ko ang lahat.
Nabasa akong isang artikulo kung papaano daw makakapag adjust sa kohehiyo ang isang freshmen at alam ko na ito ay makakatulong ng malaki sa iba. Ang una ay Manatiling Busy. Mag paka busy araw-araw para makalimut ka kahit papaano. Pwede ka ding mag laro ng mga sports o kaya ay mag basa ka ng book sa library. Ang ikalawa ay ang maghanap ng mabubuting kaibigan. Maging friendly para makahanap ka ng mga bagong kaibigan. Ang ikatlo ayon sa aking nabasa ay Pakitaan ng Kabutihan ang ka-roommates. Maging mabuti sa mga ka roommates mo,dahil madalas sila ang makakasama mo araw-araw at maaaring sila rin ang makasama hanggang maka graduate ka na ng collge. Ang ika apat naman ayon sa kanya ay makipag usap sa kapamilya. Mag hanap ka ng tao na maari mong pag sabihan ng problema. Mahirap kasing kinikimkim mo yung mga nararamdaman mo. At ang pang huli ay ang maging maingat sa paggawa ng desisyon. Hindi solusyon ang mag drop out o yung lumipat ng school para lang makapag adjust. May mga tao na kapag hindi maganda ang kanilang nararamdaman ay nag kakamali sila ng desisyon at sana hindi ka matulad sa kanila.
Marami pang paraan kung paano ka makakapag adjust sa buhay kolehiyo. Ang lahat ng bagay ay dedepende na lamang sayo. Bakit? Dahil Sa kahit ano pa mang paraan ang iyong gamitin kung patuloy pa rin ang pagbuhay sa nakalipas ay hindi ito makatutulong sa iyong sarili. Isa lang dapat matutunan na ang pagtanggap sa katotohanan na walang permanente sa mundong ito. Huwag tayong malungkot dahil natpos na, maging masaya tayo dahil nang yari ang lahat. Huwag mong sayangin ang oras at luha sa kanilang pagkawala. Dahil sa puso mo lagging andun sila, huwag mong sayangin ang mga pagkakataon na makita ang mga mgagandang bagay na sa iyong harap dahil sa huli ito ay iyong pag sisihan. Matuto tayong tanggapin ang katotohanan na may mga taong aalis at darating sa ating buhay, maging masaya tayo sa pagkat sila ay dumating at nag bigay kulay sa mundo natin. Lagi nating tatandaan na “Happiness begins at the point when we stop questioning why life can’t be perfect and just accept the world the way it is”
Subscribe to:
Posts (Atom)
Choice to change happiness
Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...
-
I know someone who loves to write She said she keeps her secret behind the lines I try so hard and spend some time To dig it up and find...
-
Quotable Quotes from one of the founder of my Alma Mater, Don Salvador Araneta. From the book Glimpses on the life, philosophy, and advo...
-
Kawa-kawa Hill and Natural Park is one of Bicol's tourist spot and it is located at California Village, Barangay Tuburan, Ligao C...