Tuesday, April 17, 2012

Malungkot na tula

Kung na lulungkot ako
May makaka alam kaya?
Kung na lulungkot ako
May makikinig kaya?

Mahirap na laging masaya
Hindi alam ng iba
Gusto ko ng humintong tumawa

Kaso hindi pwede dahil andyan sila

Gusto kong tumayo sa sarili kong paa
Lumayo muna pansamantala
Malaman kung sino talaga
Sa akin ay mag papahalaga

Monday, April 16, 2012

Sinulat sa Amerika

Ano tong nararamdaman ko?
May iba kayang nakakaramdam nito?
Dito sa isip kong magulo?
Sa bulong nitong aking puso.

Sa pagpikit ng aking mata
Malinaw kong nakikita
Mga naka ambang pagbabago
Sa takbo ng aking kwento

Sa mga bagong kakilala
Sa mga taong pilit pang kinikilala
Ilan kaya sa kanila ang matitira
Para susunod na yugto nitong kwento

Panaginip ko kaya ay totoo?
May ilang tao daw na hindi totoo.
Mga taong hindi karapat dapat
Dito sa aking mundo

Hindi ko alam kung saan ito patungo
Itong tulang pilit kong binuo
Kahit na ito’y medjo magulo
Ito nama’y isulat sa lugar ng mga kano

Choice to change happiness

Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...