Mas nakakapagod lalo na kung nakaka receive ka ng message na mang aasar lang dahil natalo yung kandidato na pinili kong suportahan na akala mo nag sabong lang o nanood ng basketball game sa Araneta. Pero totoo bang natalo ako, kami? O natalo tayong lahat? Itataya ko na it's the latter. Hindi ako o kaming bumoto kay VP Leni lang ang natalo. Dahil sa tingin ko, sa paniniwala ko, talo tayong lahat. Ang tanong, gaano kabigat ang pag katalo nating lahat sa laban na to? Yun ang hindi ko alam. Ang mga susunod na taon lang ang makakapag sabi. And I'll wait and watch the future unfold.
Alam kong hindi dapat. Kasi dapat pinipili natin na dapat may gawin di ba? Because, us, Filipino deserves better. But we do what we can do to pick up ourselves up. Hindi kailangang huminto ang mundo. It hurts, yes. It's heartbreaking, yes. But we need to keep moving forward. Pero hindi ibig sabihin ipipikit ko yung mga mata ko at hindi titindig kung kinakailangan. I will if I have to. Pero selfish mang pakinggan, pero sa ngayon, kailangan kong piliin ang sarili ko. Nag kakaroon na ako ng anxiety dahil dito sa eleksyon na to at hindi siya maganda para sa akin - sa mental state ko. I fought so hard to be where I am and I can't go back to where I was.
Naririnig ko nanaman yung nagsasabi na dapat hindi ako dapat maapektuhan kasi election lang to. Na hindi nga ako kilala nung mga kandidatong pinili ko. But I am affected because I know that it's something bigger than me that is at stake. Isa pa, it's my own feelings we are talking about. Who are they try to invalidate my feelings?
Siguro sa huli, gusto ko lang sabihin na proud ako sa binoto ko at sa binoto ng pamilya ko - ng nanay at ng mga kapatid ko. Ginawa namin ang obligasyon naming bumoto. Pinili namin si VP Leni kasi alam naming siya yung kailangan natin, siya ang kailangan ng Pilipinas, but other Filipino said otherwise. At okay lang yun kasi may sarili at kanya kanyang tayong opinyon at ginawa lang nila yung sa tingin nilang mas deserving - unless otherwise bayad sila.
But evertheless, sana, sana, I'm hoping and praying, na tama sila ng pinili. Tama ang pinili nila. Dahil in the end, we will reap the fruits of this election. Hindi lang ikaw o sila, kung hindi tayong lahat.
So this is it. This is, hopefully, my last rant about this election.