Monday, June 18, 2012

Gumawa daw ako ng tula

Sabi ni tin gumawa daw ako ng tula
Tungkol sa mga nangyari sa amerika
Pag kakaibigang dito nag simula
Sa tatlong buwang dito kami ay nakatira

Pero parang ang hirap naman di ba?
Kung ikwe-kwento ko lahat dito sa tula
Baka mga babasa ay mag sawa
Dahil sigurado ako ito ay mahaba

Sa totoo lang hindi naman kami ganun mag kakilala
Nung una tila nag kakahiyaan pa
Pero nung nag tagal tagal na
Mga sira sa utak nag labasan na

Nung una hindi alam kung saan titira
Para kaming mga pusang gala
Kung saan saan nag lalagala
Kung kela jane ba o kela neztlee kaya?

Nag karoon pa nga ng problema
Merong makakating dila
Nag sumbong at nanira
Tungkol sa aming pag tira

Ayun wala pa rin siyang nagawa
Sa apartment nila dito pa din kami nakatira
Kaya nag hanap ng kasama
Para hindi naman siya mukhang kawawa

Kami, walang pake sa kanya
Bahala siya sa buhay niya
Basta kami ay masaya
Yun naman ang mahalaha di ba?

Bakit nga ba siya kasama dito sa tula
Yung iba baka ma-badtrip pa
Hindi naman kasi ganun ka ganda
Ang alam ng madala sa kanya

Mabuting kalimutan na siya
At tayo ay bumalik sa masasayang alaala
Sumulat ng isang mgandang tula
Dito mismo sa Amerika

Ako ay naka upo at nakatulala
Nang si anne dumating at may naalala
Isama ko daw si Grinch na aming nakita
Para masaya naman daw itong tula

Ang kulit niya di ba?
Sabi nang hindi ko na siya isasama sa aking gawa
Dito sa tulang pagka hababa haba
Promise last na talaga. Cross my heart walang kokontra

Sa Orlando kami ay pumunta
Sa Seaworld puro hayop aking nakita
Sa Universal ang masaya
Umulan nga lang nung kami ay pauwi na

Huling buwan ng mayo hindi ganun kasaya
Kaibigan kong thai umuwi na sa kanyang bansa
Pongpund ang pangalan niya
Okey lang yun, atleast nakilala ko siya di ba?

Pag off ko at si anne ang kasama
Malamang kami ay gagala
Kung saan saan pupunta
Para malibot itong tampa

Merong lugar na kasumpa sumpa
Ilang beses na ako laging pinapaasa
Florida aquarium ang pangalan niya
Pag hindi ako nakapasok dun hindi ako aalis ng tampa

Nung si darl bumili ng camera
Wala na kaming ibang nagawa
Sa picture kami’y walang sawa
Siyempre yun naman ang silbi ng camera di ba?

Pakiramdam ko ako ay napapagod na
Kanina pa ako sumusulat ng tula
Oven ini-iinit ko pa
Para may malamon ako mamaya

Parang meron nanaman akong naririnig na kanta
Naririnig ko nanaman ang national anthem nila
Minsan gusto ko ng batukan sila isa isa
Someone like you nanaman walang sawa

Ikaw ba naman hindi ka mag sasawa
Hindi matatapos ang araw ng hindi mo naririnig ang kanta
“Anu ba yan!” sabi ko sa kanila
Ayun tumigil sila. Alam nilang ayaw ko nung kanta


Parang may kulang pa dito sa tula
Sandamak mak pa ata
Pero may isang taong hindi pwedeng mawala
Ang nadagdag sa hukbong bebe ng tampa

Sino siya? Malamang kilala mo siya.
Sa employee line ang kanyang lungga
Animalistic ang paborito niyang talaga
Tama ang iyong hinala, Cess ang pangalan niya


Aba meron pa pala!
Si earl na sa Diablo laging naka tanga
Kahit konti lang ang hours niya
Basta makapag laro ng Diablo oks lang sa kanya

Naisip ko isang linggo na lang pala ang natitira
Malapit na kaming umalis sa tampa
Hindi ko alam ano ang nararamdaman ko talaga
Bitter sweet mag kahalo sila

Hindi ko alam kung ako ba ay masaya
Masaya dahil ako ay uuwi na
Malungkot dahil tapos na
Ewan ko ba. Ang gulo ko di ba?

Isang linggo na lang ang natitira
Kami ay pansamantalang maghihiwalay muna
Kung saan saan kami pupunta
Sa school na lang siguro kami mag kikita

May ilang pupunta ng California
Yung isa sa New York ang punta
Meron namang pupuntang Atlanta
At merong maiiwan sa Florida

Hindi ko alam kung papaano ko tatapusin tong tula
Basta ito na ang huling taludtod nitong aking gawa
Hindi ko man nasabi lahat dito sa sinulat kong tula
Basta ang alam ko the best ang pag punta ko sa Amerika

Monday, June 4, 2012

unlucky one. june 03, 2012

Pag gising ko ay hindi naging maganda
Hindi na gising ng maaga
Mabilis na pagkilos aking ginawa
May dapat sanang gumising.sino kaya siya?


Sa trabaho ako ay naka tunganga
Hindi makagawa ng tama
Parang wala talaga
Hindi ako ang kanilang nakikita


Nung nag break.walang nagawa
Buti n lng may dumating na kakilala
Kwentuhan ay may nagawa
Para ako ay magkaroon ng gana


Ng natapos ang break na masaya
Akala ko ay okey na
Ngunit para akong isang kandila
naubos at nawala


Oras ay parang matanda
Kung kumilos parang walang gana
Hindi naka uwi ng maaga
mga tao sa lines biglang nawala



Nasa bahay na. akala ko okey na
Ako ay makakapag pahinga na
Ngunit mali ang akala
Pakiramdam ko lalong naging malala


Ako ay lalong nairita
Yung tinawagan ko ay parang sira
Hindi sinasagot mga tawag sa kanila
Parang ayaw akong pauwiin sa Manila


Katahimikan nais kong madama
Habang kumakain sa habag ng isda
May kamatis at patis na kasama
Na enjoy ko siya ng bonggang bongga


Ramdam kong nais kong mapag isa
Kaya nag tapon ako ng basura
Ngunit tila may naka puna
Na fb ko ay nakabukas pala


Ayung parang mga sira
parang mga dagang nakawala
Merong naisip na maganda
Nag post sa wall ng pusa


Araw ko ay hindi maganda. Di ba halata?
Ngunit ayokong isiping walang kwenta
Meron namang ng yaring maganda
Araw ng off ko nalipat sa iba

Friday, June 1, 2012

isang araw nung maulan... june 1, 2012

Kung susulat kaya ako ng tula
Saan kaya ako mag sisimula?
Tungkol kaya sa aking ginawa?
Oh sa mga bagay na aking nakita?


Bakit hindi kaya tungkol sa mga kabarkada
At sa mga kalokohan nilang ginawa
At sa walang prenong pinag sasabi nila
Sa tingin mo? Masaya yun di ba?


Ang problema kanino ako mag sismula
Eh ang dami nila kaloka di ba?
Kanino ko sisimulan itong tula
Na feeling ko ay napaka haba


Kung kay neztlee na mataba ang simula
Naku sapak abot ko mamaya
At kung kay darl naman kaya
Naku wag na baka may picture ako sa fb mamaya


Kung kay christine na iniwan ng lover niya?
Naku hyper nanaman yun mamaya
Eh kung kay anne baliwag kaya
Ay wag na lang din yari food ko mamaya


Eh kung kay jane naman....Ay wag na
Baka di na ako maka tungtong sa bahay nila
At kung kay earl na mag hapong nakaharap sa laptop niya
Ayun mukha ng diablo ang itsura niya


Ang tanga ko di ba?
Wala akong maisip na simula
Iniisip ko kung ako ba'y may isip talaga
Saka na ang isip.. Ako'y mag tatago na nandyan sila

Choice to change happiness

Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...