Monday, November 1, 2010

Here I am, reminiscing time, it hurts so bad kasi alam kong wala na yun na tapos na yun, alam ko na hindi na mangyayari yun, alam ko na hindi ko na sila makakasama nang tulad nang dati at alam ko na masaya na sila sa buhay nila ngayon. Pero hindi ko ma intindihan ang sarili ko kung bakit ako nalulungkot at nasasaktan pa rin nang ganito kapag naalala ko ang pangyayari noon. Ang totoo ayoko na, ang totoo sawa na ako, ang totoo napapagod na ako, ang totoo gusto ko nang kalimutan ang lahat nang sakit pero hindi ko magawa. Masaya ako sa buhay na meron ako sa ngayon, sa mga taong nasa mundo ko ngayon dahil may mga tao na nag papasaya sa akin, may mga tao na tumutulong sa akin, may mga tao na laging andyan para sa akin at hindi ako iniiwan mga bagay na hindi nila magawa sa akin. Naaalala ko noon ang sabi ko sa sarili ko.. na magiging masaya ako kapag alam ko at nakikita ko na masaya ang mga taong importante sa akin pero mali pala ako doon dahil ang totoo magiging masaya ako kapag kasama ko ang mga taong importante sa akin at alam ko na isa ako sa dahilan kung bakit sila masaya.

Gusto ko nang sabihin kung ano ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa magiging reaksyon nila na baka hindi ang reakson na inaasahan ko ang matanggap ko.

Sa ngayon, dumaraan ako sa path na iba sa dinaraanan nila, pero sa kabila nang nararamdaman ko umaasa ako darating ang araw na muli dadaan ako sa path na alam ko na makakasama ko sila.

Friday, October 8, 2010

UNtitled?

Minsan sa buhay natin...iniisip lang natin ang sarili natin..kung ano yung nararamdaman natin at kung ano yung mag papasaya sa atin...minsan hindi natin na iisip na may nasasaktan tayo, meron tayong napapahirapan, merong nababaliwala na hindi natin namamalayan...malalaman na lang natin kung wala na sila, kung hindi na tayo importante sa kanila.. saka lang natin maiisip na nag kamali tayo, na nawalan tayo, nawalan tayo nang mga tao na kailangan natin. Siguro nga bulag minsan ang mga tao, bulag sa nararamdaman nang iba dahil ang mahalaga lang sa kanila ay ang sariling nararamdaman at hindi nang iba. Sabagay... lahat naman gustong maging masaya di ba?

Minsan na akong nag kamali, minsan ko nang nasaktan ang mga tao sa paligid ko, ayoko nang magkamali ulit, ayoko nang makapanakit pa. Ngunit mahirap mamili..

Tuesday, October 5, 2010

I hold my heart

I hold my heart
so that no one can touch
I keep it safe
so no one can harm

I know how it feels
when heart is torn apart
I know how it hurts
no one minds your heart

I once let it show
pain is what I face
SO now I try to hold
So no one can break

Wednesday, September 22, 2010

I love life

I love life.... mas na a-appreciate ko na siya ngayon kesa noon.. mas masaya na ulit ako ngayon.. hindi ko inaasahan na magiging ganito ang lahat.. siguro kasi alam ko na ang punot dulo ng lahat... kung saan nag simula ang lahat.. at dahil na patawad ko na rin ang sarili ko sa lahat... magaan na ang pakiramdam ko... malayo sa kung gaano ka bigat ang dala dala ko noon.. basta ang alam ko ngayon masaya ako... at gusto ko na patuloy na maging masaya ang buhay ko.. malayo sa lahat nang pain,... alam ko mangyayari yun.. :D

Thursday, September 9, 2010

:D

Marami nanamang nangyari...maraming oras nanaman ang dumaan..maraming pag kakataon na naging masaya ako..masaya na totoo kahit na super busy ako at sobrang pagod hindi ko nakita ang sarili ko na hindi masaya...

Monday, September 6, 2010

Push them not..

Akala ko tinutulak ko silang palayo, akala ko inilalayo ko ang sarili ko, akala ko ako ang mali, akala ko.. akala ko.. Na guguilty pa ako sa nararamdaman ko, na guguilty pa ako sa ginagawa ko.. pero tama ba na yun ang maramdaman ko, tama ba na iyon ang isipin ko.

This past few days labis kong pinagisipan ang lahat, kung tama ba ng lahat, kung tama ba ang nasa isip ko, at meron akong nalaman.

Bago ko pa sila itulak palayo, na itulak na nila akong napalayo, bago pa ako lumayo, lumayo na sila, nakapag move on na sila ako hindi pa. Ngayon, nakapag move na ako ngunit milya na ang layo nila.

Hindi ako dapat ma guilty hindi ako dapat masaktan hindi ako ang nauna kung hindi sila.

Saturday, August 21, 2010

Updated..

I was staring in a blank paper and I don’t know what to write. I stare until I get tired. I know it’s a waste of time and I know it’s not right because I am starting to reminisce again and I hate it because it makes me feel so bad. I remember the times I was so down, the times that I lose the will to fight, the times that I hated my life and those precious times I had. I remember the times I throw myself on the side, away from the world that once that makes me smile. There were those times when I lose my appetite to write and disregard the things that reminds me of who I am. I know I was so damn wrong, but I guess it’s something for me to grow. As years pass me by, I realize that life give me the right, to know the answer that consumes my mind that some people move and leave and some will come and stay. As time continuously moves I learn that there are certainly things that I can’t have no matter how hard I try too and time will never stop even I want too, that I have to move on and face my life on my own. As I move on to life and trying forget the pain inside, somebody came to me and change my whole life. They came and help me to move on and make me realize that pain is no longer in my heart.

Choice to change happiness

Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...