Wednesday, May 18, 2011

Panaginip

“Ano ang ginagwa mo dito?” ito ang tanong na nag palingon sa akin habang nakatingin sa malawak na damuhan.

“Zandra.” Masaya kong bigkas sa pangalan nang kaibigan ko, sa kaibigang pinagkakatiwalaan at kaibigang hindi ko madalas makita pero napaka lapit sa puso ko “Ikaw anong ginagawa mo dito?”
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“I’m the first one to ask you Andy remember?” Nakangiti niyang sabi sa akin nang makaupo na ito sa tabi ko.
Muli ay nginitian ko siya her face is the same as before “Wala lang I just feel like being here wala kasi akong pasok tapos na miss ko tong school so ayun.” Ang sagot ko sa kanya pero hindi ko maintinhin kung bakit iyon ang sagot ko nag tataka ako kung bakit.

“Ikaw talaga.” Sabi niya “Kapag ginusto mo gagawin mo.” Ngumiti ito saka umiwas nang tingin

“Ikaw anong ginagwa mo dito?” mabilis na tanong ko
Napalingon siya sa tanong ko “Dahil dito ang nag aaral hindi ba?” sabay tapik nito sa braso ko
Napangisi ako at napakamot sa ulo “hay oo nga pala.” Sabi ko kay Zandra saka muli kong pinag masdan ang malawak na oval nang aking pinaka mamahal na alma matter.

“Mukhang wini-welcome ka dito oh.” Sabi ni Zandra sa akin “The trees are waving then the birds.” Turo nito sa akin. Nakikita ko ang mga pag galaw nang mga dahon nang mga puno at ang pag lipat nang mga ibon sa akin harapan.
I smile with amazement “oo nga noh.” I close my eyes and feel the air. Sa bawat pag hinga ko pakiramdam ko unti unting bumabalik sa akin yung mga alaala ko sa lugar na to. “It’s nice to be back.” I feel home and safe but there is a certain feeling I feel habang naka upo ako dito pakiramdam ko may mali.

“Nilipat na pala ang main gate.” Natigilan ako hindi ko alam kung paano ko nalaman hindi ko naman ito nakita.

“Yeah.” Maikling sagot niya sa akin nang hindi tumitingin
Hinayaan ko ang ganung ayos para mapagmasdan ko siya nang mabuti she look the same pero pakiramdam ko may iba sa kanya, may nag bago pero hindi ko masabi kung ano.

“Huwag mo nga akong titigan nang ganyan baka matunaw ako.” Nakangiti niyang sabi sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya “Na miss lang kita Alexandra Gomez ”

Tumingin siya sa akin may bahid nang lungkot ang tingin niya “Talaga Andy Navarro?”

“Oo naman” sagot ko sa kanya sabay kapit sa braso ni Zandra ngumiti ito ” anyway kumain ka na ba?” tanong ko

“Let’s eat nagugutom na ako. ”

“Tara” sabi ni Zandra saka tumayo. “Basta libre mo ako.”

Nagbibiruan at nag tatawanan kami habang naglalakad tinuro niya sa akin yung bagong tayong building nang school para sa elementary. Nasabi ko sa kanya na marami na palang naging improvements ang school at sa ilang taon pa dadami pa iyon na sinang ayunan naman ni Zandra.

“Wow” ito ang nasabi ko nang makapasok ako sa canteen nang aking alma matter. Sa Canteen kung saan madalas kaming kumain at tumambay pag tumatakas sa klase “I miss this place” sabi ko kay Zandra saka ako kumuha nang tray “and yung tocino super miss ko” natatawa kong sabi

Natawa din si Zandra sa sinabi ko “hay nako ako sobrang sawana na ako dyan.”
Pero pareho kaming nang inorder na pagkain, isang rice, tocino and mixed vegetable na combo meal na daing 35 pesos 45 pesos na.

“Nag taas na sila nang price huh ang daya.” Sabi ko nang maka upo kami

“Oo nga eh.” Natatawang sabi ni Zandra sa akin.
Just like before mas marami pang oras sa kwentuhan at tawanan ang pag kain namin just like before just like what we used to do before tulad nung Highschool pa lang kami at ito ang isa sa mga bagay that I really miss na gawin kasama si Zandra no words can express how much happy I am nakasama ko ulit siyang kumakain. Pagkatapos naming kumain agad kaming bumalik sa may oval mahangin kasi doon tulad nang dati naming ginagawa pag may sobra pa kaming time.

“Hay.. ang dami na talagang nag bago” Sabi ko kay Zandra nang makaupo na ako nang maayos.

“Hindi lang naman ang school ang nag babago.” Ito ang narinig kong sabi ni Zandra.
Napakunot noo ako sa narinig. “Huh?”

“Wala.”

“Zandra!” Napalingon ako kasabay ni Zandra Siyam na nakangiting tao ang papalapit sa amin tumayo ito, pagkaraang sumulyap kay Zandra sa akin na naka tingin ang mga ito siguro sa isip nang mga ito nag tatanong kung sino ako.

“Kanina ka pa namin hinahanap” Sabi nang isa sa kanila nang huminto ang mga ito sa harap namin.”Kumain ka na?”

“Oo eh kasabay ko siya.” Sabay turo sa akin ni Zandra “Anyway Guys I want you to meet my friend Andy.”
Tumayo ako sa kinauupuan ko “Andy meet my friends” saka isa isang pinakilala sa akin ang mga friends niya.

“Hi nice to meet all” ang nakangiti kong sabi sa kanila.

Pagkaraan nag paalam na ang mga ito para kumain. “Sige kain na kayo” sabi ni Zandra saka ngumiti. Zandra wave her hand bago tuluyang kaming talikuran nang mga kaibigan niya.

“You look happy.” Naka ngiti kong sabi ko kay Zandra nang pareho na kaming nakaupo. Masaya ako dahil masaya si Zandra sa tingin ko masaya talaga si Zandra the ways she act, the ways she speak with them very comfortable habang kausap niya ang mga ito.

“May mali ba akong nasabi Zandra?” Tanong ko sa kanya nang napansin kong biglang pagkawala nang mga ngiti sa labi niya.

“Wala” umiiling niyang sagot sa akin ni Zandra saka ngumiti “Your right Andy I am happy”

I half smile “That’s good.”

Iniwas niya ang tingin saka ko narinig ang pag hinga niya nang malalim

“Is there something you want to say?” tanong ko sa kanya.

“Is there something you want to know, Andy?” Balik tanong nito sa akin.

May na sense ako na may iba pang meaning ang sinabi niyang iyon “Zandra may problema ba?”

“Kamusta na ang barkada?” tanong nito at hindi sinagot ang tanong ko.

“Okey naman sila.” Diretso kong Sagot ko sa kanya. I wonder kung ano ang iniisip nito kung ano ang gusto nitong sabihin sa akin. “Hindi ka namin madalas makita.”

Nakita ko ang pag iwas nang tingin nito sa akin saka yumuko. “kailangan eh.”

“Zandra sa tingin ko may gusto kang sabihin.” Hindi ko mapigilang sabihin pakiramdam ko kasi may gusto itong sabihin sa akin “Your acting so strange kasi”

“Kilala mo talaga ako noh?” napangiti ako sa sinabi niya pero biglang naging seryoso ang mukha nito “You know
Andy there are a lot of things that I realized since you left, that in this world the only thing that is constant is changes. Hindi man natin napapansin everything change kahit na tumigil tayo sa pag babago the world will never stop to change.”

“Anong ibig mong sabihin Zandra? ” kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mga nang yayari pakiramdam ko meron akong kailangang maalala pero hindi ko alam kung ano.

“Simple lang Andy that everything in this world come and go, everything move” sabi nito “that nothing is constant in this world even friends…”

“Zandra….” Pag pigil ko sa mga susunod pa niyang sasabihin. Sa pag alis namin dito sa school ang patutunguhan nang sinasabi niya

“I know Andy” mablis niyang sabi sa akin “ I don’t have any rights to tell you na dito na lang kayo nag aral na sana mag kakasama na lang tayo dito I know that we have our own different dream to reach.”
Nakangiti nitong sabi sa akin pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Zandra. “Alam ko yun at Naiintindihan ko yun Andy”

Tumayo si Zandra sa kinauupuan niya “Pero ang sakit eh sobrang sakit” ito ang narinig ko kay Zandra hindi ko man nakikita ang mukha nito alam ko na pinipigil nito ang umiyak. “Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko Andy nung nawala kayo dito sa school, nang naiwan ako dito.” Lumingon siya sa akin trying to smile in front of me pinapakita niya that everything is still under her control pero sa mga mata nito kitang kita ko ang nangingilid na mga luha

“Sa bawat hakbang, sa bawat lingon ko dito sa university all I see is our happy memories at wala akong hiniling noon kung hindi sana tulad na lang nang dati ang lahat and that wish is a wish of a fool kasi kahit anong gawin ko alam ko na hindi ko na maibabalik pa ang panahong magkakasama tayo noon.”

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang titigan siya dahil ang bawat salita na lumalabas sa kanya ay parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko. Dahil wala akong nagawa nung panahon na nanasasaktan na pala si Zandra wala akong nagawa para tulungan yung kaibigan ko dahil akala ko everything is fine dahil sa tuwing nagkikita kami nung 1st year college kami masaya siya pero mali pala ako. Bigla akong natigilan hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may kailangan akong maalala at hindi ko alam kung ano iyon.

“Kaya nga pag may pagkakataon noon na makikita ko kayo pumupunta ako agad, gagawin ko yung magagawa ko para makasama ko lang kayo.” Saka tumalikod sa akin “Pero dumating ako sa point na napagod ako Andy.” Bumaba siya nang isang baiting mula sa akin saka umupo. “Minsan nag text ako kay Lexi I told her na daanan niya ako sa mall na mag kita kami kahit 5 minutes lang na hihintayin ko siya pero lumipas ang isa’t halahating oras pero wala siya hindi siya nag pakita alam ko na hindi siya darating dahil klase na niya hindi ko napigilan ang hindi maluha habang nag lalakad pauwi I felt betrayed at masakit dahil kaibigan ko siya. Yung mall a minute away lang sa sinasakyan niya maiintindihan ko naman kung hindi siya makakapunta, pwede naman siyang mag text na hindi siya makakadaan hindi ba, alam ko kasalanan ko, bakit nga ba ako nag hintay sa kanya? Pero tatlong araw ang dumaan wala akong narinig sa kanya hanggang nag kita kami sa birthday ni Max hindi ko siya kinakausap, kahit tignan pinilit kong hindi gawin. Pero parang wala lang nang yari I thing wala siyang clue o balewala lang sa kanya o hindi niya na alala ang nangyari hindi ko alam sa kanya. Kasabay ko siyang umuwi nang malapit na kaming mag hiwalay nang daan I told her na masama yung loob ko sa kanya and I guess sorry is the hardest word for her to say.”

Tinitignan ko lang siya mula sa likuran saka bigla kong na alala yung birthday ni Max pero hindi ko na pansin o maalala ang pag iwas ni Zandra kay Lexi. Ang natatandaan ko lang ay nakikipag kulitan at nakikipag usap siya sa amin noon. Yun pala may problema wala rin akong natandaang sinabi si Lexi na may problema sila ni Andy.

“Alam mo minsan kong sinubukang lumayo sa inyo hoping na hahanapin ninyo ako. No text, no phone cal,l walang friendster, walang chatting just for 3 days nag hintay ako pero kahit isang text wala akong natanggap galing sa inyo saka ko na realize na pagod na akong mag hintay na kailangan ko na nang mag move on sa pag kawala ninyo.” Lumingon siya sa aking she give me a fake smile it’s a fake dahil alam ko na hindi naman talaga siya masaya she’s trying to cover pain up nag tataka ako kung bakit kailangan pa niyang gawin yun. Pero nararamdaman ko ang nararamdaman niya ang sakit that no one reach out for her sa dami naming mag kakaibigan wala kahit isa sa amin.

“I’m sorry Zandra hindi ko alam” I told her.

“I guess I don’t need It, kasi hindi na mababago nang sorry ang lahat, hindi na mabubura nang sorry yung sakit na naramdaman ko noon…wala na tayong magagawa about it Andy dahil nang yari yun.”

Inalis niya ang tingin sa akin at hinarap ang oval “Ginawa ko ang lahat nang pwede kong gawin to move on”

“Isa ba doon ang hindi pag punta sa mga gatherings natin?” I ask her
Hindi siya nakatingin sa akin pero kalahati nang mukha ay nakikita ko. She nod “Oo.. but may mga times na totoo ang sinasabi ko pero kahit na pwede ako I try not to mingle with you”

Napalunok ako at inalis ko ang tingin sa kanya. Nasasaktan ako nung mga time na yun iniiwasan pala kami ni Zandra pero hindi ko yun na pansin. bakit?

“Umiwas ako, lumayo ako hindi para kalimutan kayo o yung mga memories natin na mag kakasama ginawa ko yun para matanggap ko sa sarili ko ang lahat nang mga nangyayari, ginawa ko yun para mahanap ang sarili ko, yung ako na nawala dahil sa sobrang lungkot at sa sakit naramdaman ko, yung ako na nawala dahil hinayaan ko ang sarili ko na mabuhay sa mundo nang kahapon.” Huminto siyang mag salita nakaramdam ako nang guilt sa mga sinabi niya nang hindi ko alam na sobra pala siyang nasasaktan at nahihirapan
“But Andy I never blame you o yung barakda for everything at never akong nag sisi na nakilala ko kayo. The only person in this world that I blame is myself because pain and hurts are the result of my own doing, result of my own decisions”

“Now I understand”tumingin ako sa kanya “Pero sana Zandra sinabi mo sa amin na nasasaktan ka, na nahihirapan ka, na kailangan mo kaming mga kaibigan mo, sana natulungan ka namin.”

“Kung sinabi ko sayo inyo? sayo Andy ano ang gagawin mo?”

Natigilan ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya

She half smile “That’s good na hindi ka na lang sumagot mabuti na yun kesa nag sinungaling ka.” Sabi ni
Zandra “ Hindi ko sinabi sa inyo kasi hindi ko alam kung paano ko sasabin at iniisip ko kung ano yung magiging reaction ninyo. But I try to tell you sa mga ilang group message ko sa inyo ang ilan dun merong ibang meaning hindi man direkta pero umasa ako na maiintindihan ninyo kung ano ibig sabihin nang mga text ko and also I have my blog right naka sulat lahat doon. ”

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kasi hindi ko nakita yung dapat kong nakita noon, kaibigan ba talaga ako nang taong nasa harapan ko? Kasi bilang kaibigan niya dapat alam ko na kailangan niya ang tulong ko kahit hindi niya sabihin, hindi ako naging sensitive sa needs niya sa panahon na kailangan niya nang isang kaibigan. Hindi ako naging isang mabuting kaibigan sa tao na naging mabuting kaibigan sa akin she helped me a lot of times, I can always count on her, she can always makes me happy makes me feel that I am special that I am important. I am a failure as a friend kaya hindi ko alam ang dapat gawin I can’t blame her sa pag layo sa amin I really think it’s reasonable enough to ease the pain na naramdaman niya.

“Ngayon Zandra Can I ask how are you?” Nagawa kong itanong sa kanya nang diretso tumayo ako at lumapit sa kanya. Pero natatakot ako, natatakot na masaya siya na wala na kami sa buhay niya. Zandra is a good person, a valued friend and to lose a friend like her isang malaking kawalan para sa akin. How I wish I turn back time para tulungan siya to cope up pero alam ko na hindi mang yayari yun.

“Just like what I told you kanina Andy I am happy.” Naging diretso rin niyang sagot sa akin and it hurts kanina nang sinabi niya iyon baliwala lang sa akin pero ngayon matapos kong marinig ang lahat I feel threaten and envy. Umupo ako na may distansya sa kanya “Alam mo we can just really appreciate the true meaning of happiness kapag minsan sa buhay natin nasaktan tayo.” Napalingon ako sa sinabi niya and she’s trying to smile isang bagay na hindi ko kayang gawin lalo na ngayon.

Mabigat sa dibdib ko ang ulitin ang sinabi niya “Masaya ka.” Sinabi ko na nakatingin sa mga mata niya “Masaya ka dahil sa mga bagong friends mo.”

“They are part of my happiness, Andy” umpisa niya “I am happy now kasi na tanggap ko na ang lahat and I moved on. I know that I made a lot of mistake and I made a wrong decision but everything is in the past now what matter most for me is the present, now that I am happy”
“Zandra, I am really glad to know that you are happy at nalagpasan mo ang lahat but it really hurts me to know that you got hurt because of us, na wala kami sa tabi mo nang kailangan mo kami at ang mas masakit now I know you’re happy even without us.”

“I’ve been stronger person now, a much better person because of the things na pinagdaanan ko.” Lumapit siya sa tabi ko “And if would be given a second chance in life gagawin ko parin ang ginawa ko. I love you at ang buong barkada I just had let you go because I had accepted the fact that your no longer around me, that you are not mine to be kept, that I don’t own you, that all I have to do for you is that hayaan gayong gawin ang gusto ninyong gawin at ako I’ll just watch you from a far.”

Tumayo si Zandra at humarap sa akin pero nakayuko ako

“Andy this is me now, I change not just because I got hurt or whatever, I change for myself Andy, who ever I am now you guys will always be a special people in my life, whoever I will be in the future I promise you na hindi kayo mawawala sa puso ko. Hindi man tayo mag kikita at nag kakasama you guys never failed to make me happy. You are still part of who I am and why I am happy.”

“Are you ready to see us all?” tanong ko

“No,” sagot niya napaangat ako nang tingin “I know pag nag kita kita tayong lahat ulit mararamdaman natin that we are no longer the same people that we used to know”

“Hindi ako papayag na hindi ka sumama sa amin next week pag nag kitata kita tayo ulit.” Sabi ko sa kanya

“I am no longer here.” Sagot nito

Napabuntong hininga ako sa narinig ko.

“I am happy na makita kayong masaya at magiging masaya and Andy masaya ako dahil na nakita kita ngaayon” sabi nito “I guess kailangan ko nang umalis” nakita mula ko sa malayo ang mga kaibigan niya palapit sa amin

“Okey fine basta next time I hope mag kita tayo nila Lexi, okey?”

Ngumiti lang ito “I hope not too soon Andy”

“I just want you to know that I really value you as my friend and I hate myself if I lose someone like you in my life.” Tumayo ako

“I was born to be your friend Andy at masaya akong nakilala ko kayo I just want you to remember Lagi lang akong nasa tabi ninyo at nakatingin sa inyo mula sa malayo” she smile at me at isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin na ginantihan ko din nang yakap. She so warm, pakiramdam ko natutunaw ako hindi ko alam kung bakit ganun ang pakiramdam ko “Take care and Good Bye.” Bulong niya sa tenga ko.

“Andy…” agad na mulat ang mata ko sa isang malakas na tawag ni mommy sa labas nang pinto ko “Bumangon ka na.” bumangon ako at hindi ko napigilan ang hindi mapaluha sa aking napanaginipan. Natatandaan ko na biglang nahawi nang tingin ko ang laptop ko kaya nag madali kong binuksan ito. Pinuntahan ko ang blog site ni Zandra at isa isa kong binasa ang mga luma niyang post natigilan ako She really got hurt tulad nang sinabi niya sa panaginip ko hindi matapos ang pagbagsak nang mga luha sa mga mata ko dahil wala na akong chance bumawi kay Zandra wala na akong chance na baguhin ang lahat coz Zandra is no longer around.

“….I change for myself , who ever I am now they will always be special people in my life, whoever I will be in the future I promise myself na hindi sila mawawala sa puso ko. Hindi man kami nag kikita at nag kakasama nang madalas our memories together never failed to make me happy. They will always be a part of who I am and why I am happy….” Basa ko sa isa sa mga blog niya. “Zandra,” binulong ko sa hangin ang pangalan niya habang patuloy pa rin ang pag bagsak nang mga luha sa aking mga mata.

Writer's note..

Please forget about the words, forget about your emotions, but never forget the lesson behind this work. Thanks

No comments:

Choice to change happiness

Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...