Wednesday, July 4, 2012

Tula para sa kanila

90 miles outside Chicago ang drama
dahil malayo sa mga kabarkada
nakasama ng 3 buwan sa tampa
kami ngayong pansamantalang magkakahiwalay muna

yung iba nasa california
yung isa sa new york napunta
meron nasa atlanta na
yung isa nasa florida pa rin, bonggang di ba?

ngayon sa skype lang kami nag kikita
mag kausap hanggang umaga
kahit pinag uusapan wala ng kwenta
tuloy pa din ang kwentuhan namin talaga

Hindi na muna sana ako susulat ng tula
kaso meron isa nag simula
meron daw siyang ginawang tula
Nung nabasa ko hayun bigla akong natuwa

"Kala mo ikaw lang ha" ang title ng tula
lagi daw siyang nasasama sa aking gawa
na wala naman daw siyang matinong nabasa
Pero at least may masaya siyang naalala

Kahit ako merong na alala
bigla kong na isip tapos na pala
masasayang araw namin sa tampa
nalungkot tuloy ako bigla

Sa totoo lang hindi tao ang namimiss natin talaga
kung hindi mga alaalang magkakasama
isiping kelan at papaano kaya
mauulit ang masasayang alaala

yung movie marathon hanggang umaga
kahit ang pasok sa trabaho ay maaga
yung biglang tili kasi natatakot na
merong umiiyak, pinapanood kasi ay drama

nakaka miss naman talaga
yung uuwi ka sila ang makikita
yung pag bukas ng pinto naka ngiti na sila
pag pasok mo matatawa ka na lang bigla

Nakaka loko talagang kasama sila
Yung may maiisip na lang bigla
Pupunta sa Checkers kahit anong oras na
Biglang kakanta sa madilim na kalye ng tampa

Pag walang pagkain sa DD ang punta
Donuts at coffee ang o-orderin nila
Uupo lang dun hanggang mag sara
pag uwi sa bahay gising na gising sila

Meron isa sa gabi gala ng gala
madalas sa bowling ang punta
kaya nung minsan sa picture wala siya
ayun sa fb ko siya ay nag welga

merong isa pag nakita mo nakahiga sa kama
tapos hawak niya laptop niya
ilang sandali maririnig mo siya
nag a-alien talk seryoso pa mukha niya

meron isang pasimple ang drama
pag cleaners siya laging nawawala
kung hindi may sakit gumagala
kaya kusina madalas ay kawawa

Eto isa paborito ko talaga
lagi akong dinadalhan nag pagkain sa kama
mag tatanong kung masarap daw luto niya
siyempre sagot ko Oo kaibigan ko kaya siya

Etong isa feeling ko masaya
naka tagpo ng somebody niya
Closeness nila halatang halata
showbiz na showbiz silang dalawa

Yung isa nakausap ko na
At sinasabon ko talaga siya
Pero ayaw umamin nakaka badtrip nga
pag nagkita kami yari siya

merong isang humabol pa
Nakasama namin sa lapag na humiga
Nakaka tuwa siyang kasama
kaso wala kaming picture na kasama siya

Ayoko na sanang gumawa ng tula
Lalo na ang ipabasa ang aking gawa sa iba
Ngunit hindi ko na puna
Nakagawa na pala ako ng tula para sa kanila

No comments:

Choice to change happiness

Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...