Friday, October 12, 2012

Ang napipintong pag alis sa araneta

Ilang araw na lang pala
sa araneta di ko na sila makikita
nakakalungkot kaya
sa school ako na lang ang matitira

Pero ginusto ko to di ba?
Ang paglingkuran ang madla
Posisyon ko ay mahalaga
Hindi ako pwedeng mawala

Pero tayo ay bumalik sa kanila
sa mga kaibigan na aking nakasama
sa mga nakilalang hindi sinasadya
Siguro yun ay talagang naka tadhana

Ang makita sila ako ay natutuwa
Pag bumanat na ako ay hahalakhak na
Hindi ko maintindihan bakit kaya
Ganun na lang epekto nila

Sa huling linggo nila sa Araneta
Gusto ko sila ay maging masaya
Kahit na exam ang haharapin nila
dalaw dalaw din sa opisina.

Hanggang dito na lang muna tong tula
yung susunod pag na miss ko na sila
Ang tanong ito kaya't masunda pa
Ang sigurado kukulitin ko silang makita

No comments:

Choice to change happiness

Things happened. I experienced tons of disappointment, heartbreak, and loss. I was unhappy even when I’m surrounded by a lot of people. So, ...