Isang Upuan
Tila mundo ko ay nabigla
Puso ko hawak mo na pala
Ngiti ko sayo na ay nakapintura
Lahat ay gumuho ng nawala ka
Makulit ata talaga ang tadhana
Kung kelan ako ay masaya saka ka kinuha
Ngayon puso't isip ko ay tulala
Hiling ko sa hangin sana ikaw ay muling makasama
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong madama
Panahon nating magkasama ay lumipas na
Mga ngiti at tawanan ay inanod na
Muli kayang sumikat ang araw sa alaala?
Mga luha kinukubli ko na lang sa mga tala
Kaya kapag ito'y iyong makita
Malaman at maramdaman mo sana
Na araw - araw gusto kitang makita
Ngunit kung sa kasalukuyan hindi ka makita
Ako'y aasang baka bukas tadhana ay pumayag na
At kung hindi talaga tayo magkikitang dalawa
Ako'y magiging masaya na lamang na tayo'y minsang nagkakilala
No comments:
Post a Comment